(Click on the images above to navigate site's pages)
"We are young, and we are on a mission."
Ang Youth Alive ay naglalayong humubog ng mga kabataang magiging mga bagong Misyonero sa mundong nakakalimot na sa Diyos at tulungan ang mga kabataan na mas ganap na makilala, mahalin at mapaglingkuran ang Diyos.
Youth Alive!
Ang Youth Alive ay naglalayong humubog ng mga kabataang magiging mga bagong Misyonero sa mundong nakakalimot na sa Diyos at tulungan ang mga kabataan na mas ganap na makilala, mahalin at mapaglingkuran ang Diyos.
...
...
youthalivemanila@gmail.com
"In every period of history, including our own, many young people experience a deep desire for personal relationships marked by truth and solidarity..To set God aside is to... deprive ourselves of fulfilment and joy...I encourage you to strengthen your faith in God, the Father of our Lord Jesus Christ."
KASAYSAYAN
Ang Youth Alive ay umusbong mula sa isang maliit na grupo ng mga kabataan na hinubog ni Sis. Sallie Orbigo at Fr. Daniel Strickland (na noon ay seminarista pa lamang). Isang Bible Study ang kanilang sinimulan sa Kapilya ng Banal na Puso (BNP), Batasan Hills Quezon City noong Summer 2005. Ang layunin ng Bible Study na ito ay mapatibay pa ang pananampalataya ng mga Kabataang BNP. Ilang buwan matapos ang Summer Bible Study, isang World Youth Day Experience ang ibinahagi ni Fr. Daniel sa kanyang pagbabalik mula sa WYD '05 sa Cologne, Germany.
Sa sumunod na Tag-init, taong 2006, isang Summer Program na may Life in The Spirit Seminar ang umusbong. Magmula noon, ang Youth Group sa Kapilya ay nagtitipon-tipon sa bawat Unang Sabado ng Buwan. Ang Summer Program naman ang nagsisilbing Peak Event. Hindi nagtagal, hinawakan ng Missionaries of God's Love ang youth ministry at kanilang tinawag ito na Youth Alive.
Ang Youth Alive, ngayon, ay naglalayon na humubog ng mga kabataan patungo sa patuloy na paglago ng kanilang pananampalataya