YA Programs
SUMMER SCHOOL OF EVANGELIZATION Nagsimula ang lahat sa Summer Bible Study na pinasimulan ni Sis. Sallie Orbigo at Bro. Daniel Strickland (na ngayon ay pari na) sa Kapilya ng BNP. Matapos ang summer na iyon,ang grupo ng mga kabataan na dumalo sa Bible Study ay nagkaroon ng "Follow Up Program." Hindi nagtagal ay unti-unting lumago ang grupo hanggang dumating sa panahon na ang youth ministry ay hinawakan ng Missionaries of God's Love sa pangalang Youth Alive. Nanatili pa din ang Summer Program bilang "Peak Program" ng Youth Ministry kada taon. Bukod sa Bible Studies, nagdagdag din ng Youth Alpha Courses, Life in The Spirit Seminar, Games, Picnics, at iba pa. Sa taong 2011 unang tinawag ang Summer Program na Summer School of Evangelization.
AGE GROUP GATHERING Tuwing Ikalawang Sabado ng Buwan nagaganap ang YA Gathering batay sa Age Group. Sa hapon ang Gathering ng mga nasa High School Age Group at sa gabi naman ang Gathering ng mga nasa College Age Group. Ang magkahiwalay na programa ay tumututok sa mga paksa na angkop sa edad ng mga kabataang dumadalo.
YOUTH ALIVE GENERAL GATHERING
Ang Youth Alive General Gathering ay nagaganap tuwing ika-apat na Sabado ng buwan sa St. Benedict's Parish. Ito ang pagtitipon-tipon ng lahat ng miyembro ng Youth Alive. Nagsisimula ang General Gathering ng alas-tres ng hapon at natatapos sa isang Banal na Misa sa ganap na alas-sais (Youth Alive Mass). Ang pagtitipon ay nagsisimula sa ilang Games at Animations na susundan ng Praise and Worship. Magbibigay din ng mga talk at seminar tungkol na makatutulong sa espiritwal na paglago ng mga kabataan. Hindi rin mawawala ang Snacks! Para sa taong 2010, ang mga talk ay popokus sa Catholic Apologetics o Pagtatanggol ng Pananampalatayang Katoliko.
Para sa karagdagang impormasyon o mga katanungan,
Contact:
Fr.Brian Steele:
frbrian71@gmail.com